ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pag-amin ni Assunta sa 'di pa pagkakaroon ng anak: 'Ako yung may problema'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Sa 14 taong pagsasama nina Assunta de Rossi at former Negros Occidental Representative Jules Ledesma bilang mag-asawa, hindi pa sila nabibiyayaan ng anak.

“We’ve been waiting for like ten years,” sambit ni Assunta.

Pag-amin pa ng aktres tungkol sa hindi pa nila pagkakaroon ng anak,

“Unfortunately, ako yung may problema.

“Marami akong problema physically, so papaayos ko na lang sa doctor ko.”
May dalawa nang anak si Jules mula sa una nitong asawa.

Hindi idinetalye ni Assunta kung anong mga problema ang tinutukoy niya, pero aniya, “Over the years, ang daming lumabas na problems sa akin.”

Gayunpaman, hindi pa rin daw sila sumusuko ni Jules na sa kanilang hangaring magkaanak.

Pahayag ni Assunta, “Siguro iniisip na lang talaga namin, everything talaga happens at the right time.

“Minsan kasi pag pinilit mo, lalong hindi nangyayari kahit sa anong bagay.

“Kung mangyari, baka pagsisihan mo na parang dapat pala nag-antay ako or I should have prayed for that na sundin ang gusto ng Panginoon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Assunta sa press conference ng indie film na Higanti (Revenge), kung saan kasama niya sa cast sina Jay Manalo at Katrina Halili.

Ginanap ang presscon nitong Huwebes ng gabi, September 29.

Sa ngayon ay wala pang playdate ang pelikulang ito na idinirek ni Rommel Ricafort.

Pero mauuna raw muna itong ipalabas sa ibang bansa.

 Sa kabilang banda, blessed naman daw silang mag-asawa, lalo na sa mga ari-arian nila.

Lahad ni Assunta, “But siguro yun lang ang puwede naming panghawakan. Everything is also falling into place." -- For the full story, visit PEP.ph