Bianca Umali, aminadong 'dream guy' ng mga babae si Miguel Tanfelix

May usapan daw ang magka-love team na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na wala munang ligawan sa pagitan nilang dalawa.
“Yes!” pakli nila dahil priority raw nilang pareho ang kanilang showbiz career ngayon.
Tanong kay Miguel, paano kapag hindi na siya mahihintay ni Bianca at may makasingit na ibang manliligaw ang dalaga?
Si Bianca ang sumagot.
Aniya, “Well, ako po kasi, talagang ngayon, ayoko rin po kasi talaga pa.
“Pero kasi si Miguel po talaga is a… dream guy, e.
“At matagal ko na po siyang kakilala, so I can wait rin naman po.”
At natawa ang dalaga. “I guess I will!”
Sixteen ngayon si Bianca. Kapag 18 na siya?
“Not sure, e, not sure how old, kung ilang taon po ako magiging ready.
“Mga thirty!” at muli siyang tumawa.
Ang ibang love teams ay umaming may relasyon sila at pabor iyon sa mga taong involved mismo sa kanila.
Hindi ba iyon pressure kina Bianca at Miguel?
Saad ni Bianca, “Well, actually napansin rin po namin yun.
“Pero sa amin po kasi ni Miguel, kung ano po yung meron kami, iyon po yung ipapakita namin, e.
“Ayaw po namin yung porke umamin na sila, kailangan kaming dalawa din.
“Hindi po namin… kumbaga hindi rin naman po kasi talaga kami.
“So, ayaw naming maging show-off lang,
“Ayaw rin naman po naming magmadali.
“Kasi sa amin ni Miguel, talagang sinusulit namin yung kung ilang taon kami ngayon,
“Kung nasaan po kami ngayon, focused po kami sa mga priorities namin.
“Kasi alam po naming dalawa na dadating at dadating po kami dun.”
Hindi siya magpapaligaw sa iba?
“Wala pong nanliligaw sa akin,” diin ni Bianca.
Sa ganda niyang iyon?
“Wala po or baka… hindi po kasi talaga ako nag-e-entertain, at all.
“Hindi po ako din siguro kasi marunong mag-distinguish kung nanliligaw na ba siya.
“Or pumoporma na po ba siya, hindi ko po alam.
“Talagang naka-close po yung doors ko for that.”
Regular na napapanood sina Bianca at Miguel sa "Ismol Family" tuwing Linggo at sa "URL: Usapang Reel Love" tuwing Sabado, sa GMA Network. -- For the full story, visit PEP.ph