ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nathalie Hart hopes to get another acting award


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos manalo ng isang international award, inaasam naman ngayon ni Nathalie Hart na mapansin din ng mga hurado sa bansa ang kaniyang talento sa pag-arte.

Nang makausap kamakailan ng PEP.ph si Nathalie, sinabi ng akres na wish niyang makasungkit ng acting award sa Cinema One Originals Film Festival, kung saan isa sa finalists ang "Tisay."

Tiwala si Nathelie na maganda ang kanilang pelikula dahil na rin sa husay umano ng kuwento nito at direktor.

“Kasi kapag alam mo kung gaano kagaling ang director mo at kung gaano kaganda ang script niyo…

“Makikita mo rin kung paano magtrabaho ang director mo, he’s so hardworking.

“Ang ganda-ganda ng mga shots namin,” ani Natalie, na unang nakilala bilang si Princess Snell.

Ang director ng Tisay ay si Alfonso Torre.

Nitong Oktubre, nakamit ni Nathalie mula sa International Manhattan Film Festival sa New York City ang Best Actress trophy para sa pelikulang Siphayo.

Lahad niya, “It’s my first award… it’s a very good feeling na parang I could actually say I’m a proper actress.

“Hindi na puwedeng sabihin na nagsisimula pa lang.

“Or kung magsisimula man ako, masasabi nilang may napatunayan na rin naman ako." -- For the full story, visit PEP.ph