Gabby Concepcion on GMA series Ika-6 Na Utos: 'Merong aral ito'

Natatandaan pa ni Gabby Concepcion na nakatrabaho niya si Sunshine Dizon noong child star pa ito. Ngayon, si Sunshine na ang gumaganap bilang leading lady at asawa niya sa isang GMA drama series.
Kasama nina Gabby at Sunshine si Ryza Cenon sa mistress-themed teleserye ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos.
"Ang kagandahan nito, maraming firsts na naman, grabe,” ang bulalas ni Gabby patungkol sa pinakabago niyang teleserye.
“Iyan ang hinahanap ko sa teleserye, yung mga first, mga unique.
“First time na gaganap ako na piloto. First time ako magkakaroon ng afternoon show. First time kong makakasama itong mga leading ladies ko.
“Although si Sunshine nakasama ko na nung baby pa siya so siguro six-seven years old, sa Huwag Kang Hahalik Sa Diyablo [1989]. Ano pa siya nun, what, six, seven, I dunno, maybe ten, I dunno.”
Ano ang pakiramdam na bata pa si Sunshine noong una niyang makasama at ngayon ay mag-asawa na ang papel nila?
“Buti nga buhay pa ako, kasi at least meron akong chance na makasama siya,” at tumawa ang former matinee idol. “At marami pa akong gustong iparating sa mga tao bago ako mamatay.”
Ipapalabas ang kanilang teleserye na Ika-6 na Utos sa December 5 sa GMA Afternoon Prime kapalit ng Oh, My Mama!
Ano ang naging reaksyon niya nang una niyang nalaman na isa si Sunshine sa mga leading ladies niya?
“Nakakagulat. Kaya nga sabi ko di ba, lahat ng nangyayari sa akin is talagang blessing. I have nothing to complain about and everything to be thankful for.
“Talagang tuluy-tuloy na naman talaga.
“Pero dumating na rin ako sa buhay ng career ko na gusto ko naman, bawat teleseryeng gawin ko ay may message, may message. So yung mga binibigay sa aking script tinitingnan ko kung ano yung merong message at puwedeng maging aral sa viewers natin.”
Ang ika-6 na utos o sixth commandment ay huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
“Yeah, huwag kang makikialam, di ba? Alam na natin yun.
“Iyon, so dun nag-uumpisa ang conflict pagka merong ganun.
"Merong aral ito.
“Actually this afternoon show napag-aralan ko na rin kung ano ang target market na aking mga audience and because of that… ako I feel na meron akong responsibilidad sa audience ko.
“So sa bawat panonood nila ng mga teleseryeng gagawin ko, sana nga meron akong message na iiwan sa kanila. At kung papaano ako makakatulong, not financially, pero kung paano ako makakatulong sa experience ko or sa experience ng ibang tao.
“Kung paano matutulungan sila sa kanilang sariling buhay.
“Dito sa Ika-6 Na Utos parang na-push ako, of course hindi ko sasabihin sa inyo yung istorya pero hindi ko ginustong gawin yun pero sinet-up ako para gawin yun and then nagkaroon ng turn of events pero talagang mahal na mahal ko yung role ni Sunshine dito, si Emma.
“At nangyayari 'yon sa tunay na buhay.”
Gaganap namang mistress niya sa teleserye si Ryza. -- For the full story, visit PEP.ph