Filtered By: Showbiz
Showbiz

James Yap and Michela Cazzola's son Michael James christened


Ganap nang Kristiyano si Michael James Yap o Baby MJ, ang anak nina James Yap at Michela Cazzola.

Ginanap ang binyag sa panganay na anak nina James at Michela sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City, ngayong Sabado ng hapon, January 14.

Ayon pa sa panayam sa Rain or Shine player na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Biyernes, January 13, sinabi ni James na may 12 pares ng ninong at ninang si Baby MJ.

Karamihan dito ay non-celebrity at close friends nila.

Kabilang sa mga pinangalanang ninong at ninang ni James si ABS-CBN broadcaster Julius Babao at asawa nitong si Tintin Bersola-Babao, ang manager niyang si Dondon Monteverde, at ang boss niya sa Rain or Shine na sina Terry Que at Raymond Yu.

Inimbita naman daw ni Michela si Kris Aquino, ang ex-wife ni James, ngunit hindi raw ito siguradong makakadalo.

Pero nangako raw ang Queen of All Media na papupuntahin niya ang mga anak na sina Bimby Yap at Joshua Aquino.

 

Baptism of baby M ????

A photo posted by Mic (@michelacazzola) on

 

-- For more showbiz news, visit PEP.ph