ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

How Robin Padilla reacted to Kylie's pregnancy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasunod ng kumpirmasyong buntis si Kylie Padilla sa anak nila ng nobyong si Aljur Abrenica, inaabangan ngayon ng marami kung ano ang naging reaksiyon ng mga magulang ng aktres na sina Robin Padilla at Liezl Sicangco nang malaman ang tungkol dito.

Sa pagpapatuloy ng exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Kylie at Aljur ngayong Huwebes, January 26, inusisa namin sa dalawa kung paano nila ipinaalam sa mga magulang ng aktres ang pagdadalantao nito.

Pagdating sa ama ni Kylie na si Robin Padilla, sa isang dinner daw kamakailan lamang ipinaalam ng aktres ang tungkol sa kanyang kalagayan.

Patuloy na lahad ng Encantadia actress, “Si Papa, nakakatawa yun, kasi nag-dinner kami.

"Tapos, yun, nagtatanong na siya kung gusto ko na bang mag-asawa, kasi may nagsabi na yata sa kanya na engaged na kami, e.

“Tapos, sabi ko, ‘Uhm, I’m ready myself, Pa.’

“So, nagkuwento na siya about that, about getting married.

"Tapos, biglang sabi ko, ‘Pa, may sasabihin pa ako sa ‘yo.’”

Tugon daw ni Robin na may kasunod na malutong na halakhak: "Ano yun, anak? Buntis ka, 'no?"

Kuwento pa ni Kylie, “Tumawa lang siya. Sabi ko, ‘Ang galing mo dun.’

“Tapos, ayun na, ipinakita ko sa kanya yung scan nung bata, kasi kita na yung ilong, e.

“Sabi niya, ‘O, anak, ha, alagaan mo ‘yan.’” —PEP

For the full story, visit PEP.