Mika dela Cruz, ipinaliwanag kung bakit 'di pa papayag ang Ate Angelika niya na magka-bf na siya

Inihayag ng Kapuso star na si Mika dela Cruz na nararamdaman na niya na unti-unti na siyang pinagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang na maging independent.
Kuwento niya, mula nang pumasok siya sa showbiz, lagi niyang kasama sa mga taping ang kaniyang mommy.
Pero nang nagsisimila siya sa "Meant To Be," hindi raw niya nakakasama ang ina dahil nasa Austria ito para alagaan ang kaniyang lola.
“Two months siyang nawala. Tapos, pagbalik niya, nakita niyang kaya ko na,” ayon sa young actress.
Dahil din dito, napatunayan ni Mika na kaya na rin niyang hindi palaging sinasamahan.
“First time kong kumuha ng P.A. [personal assistant] para may kasama ako. So, P.A., driver ang kasama ko.
“Nang bumalik siya at nakita niyang kaya ko nang mag-isa, hinahayaan na niya ako.
“Ngayon, hindi na siya sumasama.”
Kahit daw ang ate niyang si Angelika dela Cruz ay lumuwag na rin pagdating sa kanya.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mika sa taping ng Kapuso primetime series na "Meant To Be," sa UP Village, nitong nakaraang linggo.
Pero pagdating daw sa love life, tingin daw ni Mika ay hindi pa siya papayagan ng kanyang Ate Angelika kahit 18 na siya.
Ayon kay Mika, “Wala, parang feeling ko po kay Ate, hindi pa rin niya tanggap na nagdadalaga na ako.
“Kasi baby-baby nila ako. Para na niya akong anak.
“Eighteen years ang agwat namin, so darating din naman tayo sa point na puwede na,” aniya. -- For the full story, visit PEP.ph