Filtered By: Showbiz
Showbiz

Why Inah De Belen hasn't introduced BF Jake Vargas to dad John Estrada


Hanggang ngayon ay hindi pa naipapakilala ni Inah de Belen ang boyfriend na si Jake Vargas sa kanyang ama na si John Estrada.

Si Inah ang panganay na anak ni John sa dati nitong asawa na si Janice de Belen.

Paliwanag ni Inah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala pa, wala pang time talaga. Kasi sobrang busy.

“Tapos, sobrang busy rin ng tatay ko, kasi may bago siyang teleserye.”

May mga komento na ba ang daddy ni Inah kay Jake?

“Wala pa siyang masabi kasi hindi pa niya kasi nakikilala at all.

“So, wala pa siyang comment. Pero may idea na siya kung sino si Jake!” natawang sabi ng Kapuso actress. —PEP

For the full story, visit PEP.