ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Tanya Garcia, Mark Lapid, baby back in RP


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Last October 30, Tuesday, ay dumating na sa Pilipinas mula sa ilang buwang pag-i-stay at pagkatapos makapanganak sa Las Vegas, Nevada, ang young actress na si Tanya Garcia kasama ang boyfriend na si Mark Lapid at ang magtu-two months old baby nila na si Mischa Amidala. September 16 nang isilang ni Tanya ang kanyang first baby kaya this coming November 16 ay two months old na ang sanggol. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tanya ay nagpahayag siya na marami pa raw siyang inaasikaso simula nang dumating sila sa Pilipinas. Isa na rito ang condo unit na tinitirhan nila sa may Shaw Blvd., Mandaluyong City. Aniya, "Hindi pa kasi tapos yung unit na lilipatan namin dahil marami pang dapat gawin. Nagkaroon kasi ng problema sa unang gumawa, kaya hanggang ngayon, hindi pa siya tapos. Siyempre, gusto ko na rin matapos para ma-settle na rin pati yung baby at yung mga gamit. Sa ngayon, dito muna kami sa unit ng mommy ko naman nag-i-stay habang hindi pa tapos." Nangako si Tanya sa PEP na ipapakita rin niya ang anak at sasagutin na rin niya ang mga katanungang matagal nang naghihintay ng kasagutan simula noong mabuntis siya. Kapag naayos na raw niya ang lahat ng dapat ayusin, plano rin nila ni Mark na mapabinyagan muli si Mischa sa bansa. This time, it's more on celebration na lang daw since napabinyagan na nila ang kanilang anak sa Las Vegas ilang araw pagkatapos itong maipanganak. HANDS-ON PARENTS. Sa pagkukuwento ni Tanya tungkol sa kanyang baby ay lumilitaw ang pagiging proud mommy niya, lalo pa nga raw sa bukod sa maganda at healthy ay mabait ang kanilang sanggol. "Hindi kasi siya perhuwisyo. Hindi ba yung ibang baby, basically, iyak sila nang iyak? Si Mischa, hindi siya yung iyakin. Kahit magdamag. Iiyak lang ‘yan kapag alam niyang wala nang kumakausap sa kanya," kuwento ni Tanya. Definitely, she's a very hands-on mom to her firstborn. "Sobra! Ako talaga yung nag-aalaga sa kanya. Although siyempre, noong umuwi na kami rito [sa Pilipinas], may yaya na. Pero ako talaga yung nakabantay at nag-aalaga. Saka sobrang parang ang hirap maiwan, hindi ko siya magawang iwan. Kung may kailangan akong lakarin or puntahan, kasama ko pa rin siya," natatatawa niyang lahad. Ayon pa kay Tanya, kung siya raw ay hands-on mom, mas kapansin-pansin daw ang pagiging hands-on daddy naman ni Mark sa kanilang anak. Samantala, katulad pa rin ng una niyang plano nang malamang nagdadalang-tao, once na makapanganak ay gusto pa rin ni Tanya na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Pero siguro raw ay early next year na ang talagang pagka-comeback niya as long as may opportunity na dumating. Sa ngayon daw kasi ay gusto niyang alagaan muna si Mischa. - Philippine Entertainment Portal