ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pinoy fashion blogger Bryan Boy, posibleng judge sa America's Next Top Model


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napapabalitang magiging judge ang sikat na fashion blogger na si Bryan Grey Gambao o mas kilala bilang si Bryan Boy sa modeling reality TV show na America's Next Top Model (ANTM). Ayon sa ulat ni Grace Lee sa Chika Minute ng 24 Oras, si Bryan Boy ang posibleng pumalit sa isa sa mga tatlong natanggal na judges ng ANTM na sina Jay Alexander, Jay Manuel, at si Nigel Barker. Pagkatapos ang matagumpay na 18 seasons, napabalitang tinanggal na ang tatlong matagal ng judges ng palabas dahil sa nais ng mga producers na ibahin ang tema ng ANTM. Parte na ng ANTM ang tatlong judges simula pa noong pinaka-unang season. Ayon sa ulat ng the New York Post, “We hear producers are looking to add a social media slant to the show, and they’ve already reached out to bloggers and fashion insiders with a strong Web presence, including street-style blogger Bryan Boy.” Iniulat ng Women's Wear Daily ang mga balitang pumirma na ng kontrata si Bryan Boy sa ANTM at kasalukuyang nasa Los Angeles na ngayon para sa taping ng palabas.

Ayon naman sa Facebook status ni Bryan Boy sa kanyang official page, "Excited with my new role on cycle 19 of America's next top model." Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano mismo ang magiging papel na gagampanan ni Bryan Boy sa America’s Next Top Model. Isa si Bryanboy sa mga sikat na blogger sa buong mundo. Nagsimula ang blog nitong bryanboy.com noong taon 2004. Tinampok na ang kanyang blog sa mga sikat na mga magazines tulad ng Vogue at Elle. Maging ang kilalang fashion designer na si Marc Jacobs ay isa sa mga paboritong fashion bloggers si Bryan Boy. Ayon pa sa Teenvouge noong Pebrero 2009, "With his sharp wit and cheeky choices, Manila-based blogger Bryanboy is on the brink of international stardom. He’s already captured the attention of designer Marc Jacobs, who named a bag from his Fall ’08 collection after him, and we’re sure that this internet star is well on his way to fashion fame." — ELR, GMA News