Young nun surprises 'The Voice Of Italy' judges
Naging trending sa Twitter at naging viral sa YouTube at Facebook ang video ng audition ng 25-year-old Italian nun na si Suor Cristina Scuccia ng Ursulline Sisters of the Holy Family sa Italy.
Epic kasi yung reactions ng The Voice Of Italy judges na sina Raffaella Carra, J-Ax, Noemi, and Piero Pelu.
Sa mga pamilyar na sa kalakaran sa The Voice, alam naman nating magsisimula ang mag-a-audition na nakatalikod sa kanila ang judges.
Kung magustuhan ng kahit na sinong judge ang naririnig na auditioner, doon lang ito haharap.
(Uploaded on YouTube by The Voice Of Italy)
Matapos ang kanta, haharap ang lahat ng judges sa nag-a-audition at pipili na ito kung kaninong judge siya pupunta.
Sa audition ni Suor Cristina, nagulat ang mga nakatalikod na judge na ilang segundo pa lang ng pagkanta ng hindi pa nila nakikitang contestant ay nag-standing ovation na ang audience at may matching hiyawan pa.
Binirit ni Suor Cristina ang "No One" ni Alicia Keys.
Unang nag-ikot ng upuan upang harapin si Suor Cristina ay ang rapper na si J-Ax at ang rock singer-songwriter na si Noemi.
Nagulat sina J-Ax at Noemi nang makita kung bakit standing ovation ang audience sa nag-a-audition.
Niyaya na rin ni J-Ax na mag-ikot na rin ng upuan sina Piero at Rafaella.
Katulad nina J-Ax at Noemi, nagulat din sina Piero at Rafaella nang makita si Suor Cristina.
Sa report ng www.catholicnewsagency.com, tinanong pa raw si Suor Cristina ni Rafaella kung totoong madre ito.
Sagot ni Suor Cristina in Italian, translated to English, “Yes, I am truly, truly a sister.
“I came here because I have a gift and I want to share that gift. I am here to evangelize.”
Nagbiro pa si Suor Cristina na matapos daw ang The Voice appearance niya, baka tawagan na siya ni Pope Francis.
Nabalita noong Enero ang personal na pagtawag sa telepono ng Santo Papa sa mga kaibigan nitong madre sa Spain.
Pinili ni Suor Cristina na mapunta sa team ni J-Ax, na ipinakita ang sobrang kasiyahan sa pagyakap at pagbuhat pa sa madre.
Nag-trending nang gabing iyon ng March 19 hanggang 20, kinabukasan ang #suorcristina sa Twitter.
Ang presidente ng Pontifical Council for Culture sa Italy na si Cardinal Gianfranco Ravisi, nagpahayag ng kanyang congratulations kay Suor Cristina at ginamit din ang ang hashtag na nabanggit sa Twitter.
Sinabi pa nito sa kanyang tweet: “Each of you should use whatever gift you have received to serve others (1 Peter 4:10)”.
Si Alicia Keys naman na siya mismong nagsulat at orihinal na kumanta ng "No One," nag-tweet din ng kasiyahan at pag-approve sa performance ni Suor Cristina. -- PEP.ph