ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH
Add GMA on Google
Alden Richards gives his own humble meaning to ‘fame’
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naging emosyonal ang Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” host na si Alden Richards sa kaniyang “Bae in the City” concert na naganap sa Canada nitong Holy Week.
Matapos siyang gawaran ng Plaque of Recognition mula sa Red Productions, nagpasalamat ang phenomenal Kalyeserye star sa lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal sa kaniya mula nang pumasok siya sa showbiz limang taon na ang nakararaan.
Aniya, ninais niya lamang maging artista upang matupad ang pangarap ng kaniyang yumaong ina para sa kaniya, at upang makatulong na rin sa kaniyang pamilya.
Hindi raw akalain ni Alden na labis-labis ang biyayang matatanggap niya, kaya naman gumagawa siya ng paraan upang maging makabuluhan ang kasikatang tinatamasa niya ngayon.
“Fame po is taking advantage of the moment to use it for the common good. You use fame to inspire people, to bring people closer to God, and to make them feel happy every day of their lives. It's beaing ablt to inspire a lot of people,” ayon kay Alden.
Dagdag pa ng Kapuso heartthrob, “For the past five years of my career, I never knew po that I’m gonna be able to touch a lot of lives. Thank you for the support. Thank you po.”
Bukod sa “Eat Bulaga!” kung saan araw-araw siyang nagpapasaya at nagpapakilig kasama ang mga Dabarkads at ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza, linggo-linggo ring bumibida si Alden sa Kapuso comedy variety show na “Sunday Pinasaya.”
Bida rin si Alden sa iba't ibang endorsements at magazine features mula noong nakaraang taon.
— DVM, GMA News
More Videos
Most Popular