Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Aga Muhlach greets wife Charlene Gonzales with touching throwback story


Naantig ang marami sa ginawang pagbati ng batikang aktor na si Aga Muhlach sa kaniyang asawa at dating beauty queen na si Charlene Gonzales, na ipinagdiwang ang kaniyang ika-42 na kaarawan nitong Linggo.
 
Binalikan ni Aga ang mga huling sandaling kasama niya ang kaniyang ina na si Anita Aquino, na pumanaw noong 2007.
 
“I remember vividly a few days before my mom passed away, in her hospital bed she told me to come near her. She then told me, '”Ga, wag ka na mag-alala at malungkot, handa na ako mawala. Binigay na ng Panginoon ang kaisa-isang dalangin ko para sa'yo. Hindi ang pera at kung ano mang materyal na natatamasa mo ngayon, kundi ang dalangin ko noon pa na makatagpo at makapag-asawa ka ng babae na hihigitan pa ang pagmamahal na binigay ko sayo. Si Charlene ang pinakamagandang nangyari sa buhay mo. Huwag mo siyang pababayaan! Habang buhay kang magpapasalamat sa ating mahal na Panginoon ha,'" kuwento ng batikang aktor.
 
Dagdag pa niya, “ Haaaay... My love @itsmecharleneg you really are God's greatest gift to me and our children. I know you hate this photo I took of you! Haha! But the real beauty that's inside you is what comes out on this one! You're really beautiful inside and out! You really are an answered prayer. Stay the way you are!! Cheers! Like I would always tell you, 'It just gets better'!! Happy birthday b!!!”
 
 

I remember vividly a few days before my mom passed away, in her hospital bed she told me to come near her and told me " 'ga wag ka na magalala at malungkot, handa na ako mawala. Binigay na ng Panginoon Ang kaisa-isang dalangin ko para sayo. Hindi Ang pera at Kung ano mang matiryal na natatamasa mo ngayon kungdi ang dalangin ko noon pa na makatagpo at makapag-asawa ka ng babae na hihigitan pa ang pagmamahal na binigay ko sayo. Si Charlene Ang pinaka magandang nangyari sa buhay mo, wag mo siyang pababayaan! Hacbang buhay kang magpapasalamat Sa ating mahal na Panginoon ha". Haaaay.... My love @itsmecharleneg you really are God's greatest gift to me and our children. I know you hate this photo I took of you! Haha! but the real beauty that's inside you is what comes out on this one! You're really beautiful inside and out ?? Happy birthday my love! God bless your good heart more and more. ???????????????? you really are an answered prayer. Stay the way you are!! Cheers! ???????????? like I would always tell you.. "It just gets better"!! Happy birthday b!!! ??????????????????????

A photo posted by Agamuhlach317 (@agamuhlach317) on

 
Mula nang i-post ito ni Aga nitong Linggo, umani na ng higit sa 5,700 likes ang kaniyang Instagram post, at halos 200 comments mula sa kanilang fans.
 
Matatandaang ikinasal sina Aga at Charlene noong 2001, at mula nga noon ay nagkaroon sila ng dalawang anak—sina Atasha at Andres. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News