Robin Padilla, nakapiling na ang kaniyang mag-inang sina Mariel at baby Isabella
Hindi man nakapunta sa Amerika dahil sa kawalan ng US visa, nakapiling na rin ni Robin Padilla ang kaniyang asawang si Mariel Rodriguez at ang two-month-old baby nila na si Maria Isabella matapos na magbalik-bansa na ang kaniyang mag-ina.
Sa isang Instagram post ng fans club ng mag-asawa na @mabinofficial, makikita ang pagyayakap nina Robin at Mariel sa airport.
A photo posted by Robin & Mariel Padilla (@mabinofficial) on
May hiwalay din na larawan na ipinost sa Instagram account si Robin na nagpapakita sa kaniyang mag-ina sa loob ng bahay.
Nilagyan niya ito ng caption na: " Ang dati at ang bagong reyna ng Casa Maria. La vieja y la nueva reina de la Casa Maria. The old and the new queen of Casa Maria."
A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on
Ang solong larawan naman ni baby Isabella ay nilagyan ni Robin ng caption na: "She came home and the whole sky became a rainbow"
She came home and the whole sky became a rainbow
A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on
Nobyembre 15 nang isilang ni Mariel sa Amerika si Maria Isabella.
Pero hindi nakasunod si Robin sa Amerika dahil sa kawalan ng US visa bunga ng conditional pardon lang ang kaniyang nakamit nang makalaya sa bilangguan noong 1997 mula sa kinaharap na kasong illegal possession of firearms.
Inasahang makakukuha na ang aktor ng US visa nang pagkalooban siya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon noon ding Nobyembre 15.(READ: Duterte grants Robin Padilla absolute pardon).
Pero sa isang video post, ipinaalam ni Robin na hindi siya nabigyan ng US visa pero masaya siya na pinayagan ng US embassy na makaalis ang tumatayong pangalawang ina ni baby Isabella.
A video posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on
-- FRJ, GMA News