ADVERTISEMENT
Filtered By: Sports
Sports

WATCH: Chito Miranda and Neri Naig's prenup video


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Gumawa na ng "save the date" or pre-nup video ang Nice Print Photography and Exige Weddings para sa kasal nina Chito Miranda at Neri Naig.
 
 
Matatandaang nag-propose si Chito kay Neri noong Mayo. Magkasintahan ang Parokya Ni Edgar lead singer at aktres mula pa noong 2011.
 
Sa December 14 ng taong ito ang kanilang kasal.
 
Sa Nuvali, Laguna, kinunan ang kanilang pre-nup video nung Agosto.
 
Ayon pa sa Nice Print owner na si Charisse Santillan-Tinio, outdoor sunny shoot daw dapat ang gagawin nila, na obvious naman sa video na ipinapakitang ini-enjoy ng soon-t0-be husband and wife ang ganda sana ng araw habang nagpapahinga sa harap ng kanilang Volkswagen Beetle na ginawang RV.
 
"All of a sudden, it rained," kuwento ni Charisse sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text.
 
"Rather than packing up, the couple decided to go through with the shoot and it came out sooo much nicer pa and mas unique!"
 
Patuloy pa ni Charisse, "Essence of the video thus is, we can't control what life brings us--but good or bad, we just need to weather the storm as long as we're together."
 
Matatandaang noong nakaraang taon, napasok sa isang kontrobersiya sina Chito at Neri nang may maglabas ng kanilang sex video.
 
Sa kabila ng kontrobersiya ay nanatiling magkasintahan ang dalawa hanggang sa mag-propose na nga si Chito this year. — PEP