ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 kulay sa SONA ni Arroyo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA - Bukod sa laman ng talumpati ng Pangulo, ang kasuotan ng mga dumadalo sa State of the Nation Address o SONA ang inaabangan ng ilang tagamasid. Pero alam nyo ba na sa pitong SONA na ginawa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay tatlong kulay lamang ang naging tema ng kanyang kasuotan. Sa kanyang unang SONA noong 2001, kulay asul ang kasuotan ni Arroyo. Sumunod ay kulay dilaw noong 2001, at balik sa kulay asul noong 2003. Naging dilaw-na-dilaw naman ang kanyang terno noong 2004 at balik sa kulay asul noong 2005. Ngunit noong 2006 at 2007 kung saan matindi ang mga paglikos ng oposisyon upang paalisin siya sa pwesto, naging kulay pula ang tema ng kasuotan ni Arroyo sa kanyang magkasunod na SONA. Sa isang pagtitipon sa Roxas City, sinabi ni Pangulong Arroyo sa harap ng mga taong dumalo na asul ang kanyang paboritong kulay. Ang kulay asul din ang sinasabing simbulo ng Birhen Maria kung saan deboto si Gng Arroyo. - GMANews.TV