Chika Minute: Rhian Ramos grins at idea of breast enlargement
Aminado si Rhian Ramos na kinikilig siya sa idea na magpalaki ng boobs, pero sa ngayon ay wala raw siyang balak na gawin ito. Sa ulat ng Chika Minute portion ng 24 Oras ng GMA News nitong Huwebes, sinabi niyang: âAyoko naman sabihin na hindi ako magcha-change ng mind. Ayoko ring sabihin na never ko yung gagawin. Iâm just saying masaya naman ako ngayon at sa tingin ko as of now wala talaga akong balak." Si Rhian ay isa sa leading ladies sa first action-sci-fi series ng GMA Network na Code Name: Asero na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista. Mapapanood si Rhian sa susunod na telebabad series na âLa Lola" at sa movie ng GMA Films na I.T.A.L.Y. kung saan kasama nya sina Jolina Magdangal at Dennis Trillo. Samantala, ang kasamahan naman niya sa Asero na si Sheree ay balik na sa trabaho matapos manganak two months ago. âIâm so blessed na nabigyan ako ng project. So sobrang thankful talaga ako at nabigyan ako ng blessing na after giving birth nagkaroon ako ng work kaagad. So that why hindi ko na siya pinakawalan," pahayag ng seksing aktres. Proud na ipinakita ni Sheree ang pictures ng baby nila ni Gian Magdangal. Masaya si Sheree dahil hands-on daddy daw si Gian. At dahil batid daw nya na mahirap ang buhay ngayon kaya todo kayod ang aktres para sa kinabukasan ng kanilang baby. âMedyo taghirap tayo ngayon sa Pilipinas so medyo kailangan nating kumayod sa trabaho at mag-family planning," ayon kay Sheree. - GMANews.TV