ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sine Totoo presents "Batang CP"


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 15, 2008 Saturday, 11:30 p.m. In 2004, Jay Taruc immersed himself in the world of cerebral palsy patients for the documentary "Batang CP". This became a finalist at the UNICEF Child Rights Awards. "Batang CP" airs once again this Saturday night on Sine Totoo. In the documentary, Jay shares hosting honors for the first time with CP patient Jonas David. Jonas grew up with constant teasing from strangers, accepting discrimination as part of his everyday life. His CP affected his lower limbs, so he walks on crutches. He tells of one instance when he went courting, only to be cursed and ordered out by the girl's father. What Jonas went through during his childhood is now a reality for three more children with CP - Jhelynn, Cresilda, and Mico. To be able to attend special school in Makati, Jhelynn's mother carries the child in her arms while commuting from Parañaque. The strenuous trip, takes them two hours long. But Jhelynn rewards her mother by ranking number one in her class. Cresilda lives with her impoverished parents on the grounds of Luneta Park. She experiences intermittent seizures as her parents have no means to support her 300 peso therapy and 130 peso medicines everyday. Mico's family is more fortunate, as they can afford his regular therapy. But caring for him still takes extreme patience and sacrifice. Documentarist Jay Taruc experiences this himself when he cares for Mico for one whole day. A first on Sine Totoo, host Howie Severino interviews CP case study Jonas David. Jonas, now finishing his doctoral studies at the University of the Philippines, shares how his life changed after his story was told on national television. Learn more about Jonas and the struggles of other youngsters with cerebral palsy in "Batang CP", airing this Saturday late night on Sine Totoo.
Noong 2004, pinasok ni Jay Taruc ang mundo ng mga batang may cerebral palsy sa dokumentaryong "Batang CP" - na kinalauna'y hinirang na finalist sa UNICEF Child Rights Awards. Mapapanood muli ang dokumentaryo sa Sine Totoo ngayong Sabado. Sa dokumentaryong ito, ipinakita ni Jay ang mga hirap na pinagdaraanan ng mga batang may cerebral palsy o CP - isang neurological disorder na nakaaapekto sa paggalaw ng isang tao. Lumaki si Jonas David sa panunukso ng ibang tao. Apektado ng CP ang kanyang mga hita kaya hindi siya nakakalakad nang walang saklay. Ayon kay Jonas, naging bahagi na ng buhay niya ang diskriminasyon. Ikinuwento pa niya na nang minsang manligaw siya sa bahay ng isang babae, minura at pinaalis siya ng ama nito. Ang mga pinagdaanan ni Jonas ang siya ngayong pinagdaraanan naman ng tatlo pang mga batang may CP - sina Jhelynn, Cresilda, at Mico. Araw-araw, kinakarga ng kanyang ina si Jhelynn para bumiyahe mula Parañaque hanggang sa special school nito sa Makati. Umaabot ng dalawang oras ang kanilang biyahe, na sa ibang tao'y isang oras lamang ang itinatagal. Bilang ganti naman sa ina, nananatili si Jhelynn na pinakamagaling sa kanyang klase. Sa damuhan naman sa Luneta Park nakatira ang dalawang taong gulang na si Cresilda. May kasamang pag-atake ng tila pangingisay ng kanyang katawan ang CP ni Cresilda. Pero kung ni pagkain at masisilungan ay hindi kayang bilhin ng kanyang mga magulang; paano pa nila kakayanin ang therapy at gamot na umaabot sa P430 bawat araw? Mas masuwerte naman si Mico kaysa kay Cresilda dahil kaya ng pamilya niya ang regular na therapy at gamutan. Pero kailangan pa rin ng masusing pag-aalaga sa bata. Para mas maintindihan ang pinagdaraanan ng mga pamilya ng mga batang may CP, sinubukan ni Jay na alagaan si Mico sa loob ng isang araw. Sa unang pagkakataon sa Sine Totoo, makakapanayam ni Howie Severino ang isa sa mga case study ng dokumentaryo, si Jonas David, kasama ang host nito na si Jay Taruc. Ikinuwento ni David kung ano ang naging resulta ng paglabas niya sa telebisyon para ibahagi ang kanyang kuwento. Ibinahagi naman ni Jay kung bakit gumawa ng storya ang kanyang grupo ukol sa cerebral palsy. Huwag palampasin ang "Batang CP" ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo.
Tags: sinetotoo