ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Tinambangan na opisyal ng DPWH pumanaw sa ospital
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Pumanaw nitong Huwebes sa Manila Doctorâs Hospital ang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tinambangan sa labas ng opisina nito sa Maynila noong Marso 11. Kinumpirma ni Mark Brian Palacios, corporate communications officer ng pagamutan, na binawian ng buhay nitong Huwebes ng hapon si DWPH Undersecretary Ramon Aquino. "We are confirming that Undersecretary Ramon Aquino unfortunately passed away at 3:58 p.m. today [Thursday]," pahayag ni Palacios sa panayam ng GMANews.TV sa telepono. Nakasaad sa ipinalabas na medical bulletin ng Manila Doctorâs dakong 6 p.m. na namatay si Aquino dahil sa âmultiple organ failure with acute respiratory distress syndrome." âNumber one is organ failure ibig sabihin nito nagkaroon ng lung failure. Pangalawa is liver failure. Naiipon ang ammonia sa blood at nakaka-depress sa utak iyon," paliwanag ni Dr. Dante Morales. Idinagdag ni Morales na sepsis o kontaminasyon ng dugo na mula sa pneumonia at abdominal infection ang naging dahilan ng organ failure ni Aquino. Idinetalye na rin ni Morales ang pinsalang inabot ng katawan ni Aquino mula sa pinakawalang bala ng mga taong tumambang sa kanya sa labas ng DPWH main office sa Roxas Boulevard sa Maynila. âThere were several severe lacerations on the liver that made the liver bleed so much and there was also laceration on the right lung right diaphragm and right upper arm laceration," ayon sa duktor. Dahil sa maselang kalagayan noon ni Aquino, hiniling umano ng pamilya nito na magpatupad ang ânews blackout" ang ospital tungkol sa kalagayan ng biktima. Nang pumanaw si Aquino, sinabi ni Palacio na ang pamilya nito ang nagbigay ng pahintulot sa pagamutan na kumpirmahin sa media ang pagkamatay ng opisyal. Isang araw bago ang pag-ambush kay Aquino, naunang tinambangan sa Quezon City ng mga âdi nakilalang suspek si Camilo Guarin, assistant regional director ng Land Transportation Office â National Capital Region. Nasugatan si Guarin sa naturang pananambang pero nakaligtas ito. Dahil sa magkasunod na pag-ambush sa dalawang mataas na opisyal, inutos ng Malacanang sa pulisya na lutasin sa lalong madaling panahon ang mga krimen. Bukod kay Aquino, nasugatan din sa pananambang ang mga kasama nito sa sasakyan na sina Antonio Caneleta at drayber na si Victor Salonga. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular