ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Who will be the heir to Francis M’s throne?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ngayon unang ipinagdiwang ng pamilya Magalona ang Pasko na wala ang kanilang padre-de-familia na si Francis M. Pumanaw ang tinaguriang “Master Rapper" nitong Marso dahil sa sakit na leukemia. Sa panayam ng showbiz talkshow na Startalk nitong Sabado, inilahad ng biyuda ni Francis na si Pia kung sino ang sa mga anak ni Francis ang nagmana ng upuan ng kanilang ama sa lamesa at sa sining na nagpaalab sa makabayang damdamin ng mga Pilipino. Sa pagtatanong ng mga host na sina Lolit Solis, Ricky Lo at Butch Francisco, sinabi ni Pia na ang batang si Arkin ang umukupa sa upuan ni Francis sa kanilang hapag-kainan. “Arkin seats there kasi ever since parang gusto n’ya doon umupo, si father Arkin," biro ni Pia. “Parang ano n’ya gustong-gusto n’ya yung place na ‘yon." Ayon kay Pia, sa tradisyunal at nakaugaling paraan ipinagdiwang ng pamilya ang disperas ng Pasko na sa unang pagkakataon ay hindi nila kapiling si Francis - na 25 Noche-Buena naman niyang nakasama. Pawang mga paboritong pagkain umano ni Francis ang kanilang hinanda katulad ng ham, pasta, mga prutas, macaroni at iba pa. “Our Noche-Buena was traditional pa rin, favorite food pa rin ni Franz yung mga nakagawian na rin ng mga kids," kuwento ni Pia. “And puro tungkol kay papa nila (ang pinag-usapan), yung biglang mapag-uusapan na parang if papa was here. Puro naman katuwaan kasi puro naman happiness yung memories nila for Christmas." Aminado naman si Maxene na siya ang tila nagmana sa amang si Francis pagdating sa pagbibigay ng regalo. Aniya, nang buhay ang ama, silang dalawa ang nagpapaligsahan sa pagandahan ng regalo. “Nang nandito pa si papa pagandahan kami ng regalo pero siyempre natatalo kami ni papa kasi he knows us best. Alam niya talaga kung ano ang gusto namin, but now that he is not with us anymore, ako, lalo na this Christmas I made sure na lahat sila nabigyan ko ng regalo," ayon sa dalaga. Nang tanungin ang binatilyong si Elmo kung naiiyak pa rin siya kapag naaalala ang ama, tugon niya: “Yah, sometimes may time na iniisip ko si papa tapos parang masaya yung presence niya with us, so wala we miss him naman kasi so there are times."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Next Francis M Sa mga anak ni Francis, sinabing si Elmo ang nagmana ng talento ng ama at gusto raw niyang ipagpatuloy ang naiwang musika ng master rapper. “Kasi the people din naman who watched me perform they like din how I perform. Kasi they see pap (dad) in me, parang nakuha ko raw talaga yung skills from him," ayon kay Elmo. Dugtong ng mga host, maging ang itsura at galaw ni Francis ay nakuha ni Elmo. Kasabay nito, sinabi ni Pia na walang problema kung may mga producer na interesadong kunin ang kanyang mga anak. Tugon ito ng Pia nang hingan ng update ni Ricky kung nagkausap na sila ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films na interesado umanong gawing contract stars sina Elmo at Arkin. “I heard that also from other people but I’ve not really heard that straight from her, so maybe," ayon kay Pia. “Marami naman kasi, the first time they saw my children nung wake ni Francis even the... 'di ba nagkakagulo lahat ng tao, napanood ko lang ang mga interview nila in Youtube parang na-proud naman ako." Natutuwa raw si Pia at ipinagmamalaki niya kung papaano sumagot at makiharap ang kanyang mga anak sa mga interview noong panahon na hiningan sila ng pahayag sa pagpanaw ni Francis. “Sana ituloy nila if gusto talaga nila… if they interested with the children I’m open din naman kasi. I’m glad they have the talent and people like to see them talaga," idinagdag niya. Sa halos siyam na buwan mula nang maging single mother, sinabi ni Pia na nagpapasalamat siya sa mga kaibigan na tumutulong sa kanya sa pagpapalaki ng mga anak katulad ni Michel V na nagsilbing pangalawang ama ng mga bata. Ngunit bukod sa pinansiyal na tulong, binigyan-diin ni Pia na napakaimportante ng atensiyon na nakukuha nila sa mga kaibigan. - Fidel Jimenez, GMANews.TV