Lovi Poe’s wish: Rep. Singson home before Christmas
Sa darating na Pasko, plano raw ng Kapuso star na si Lovi Poe na ipagdiwang ito kasama ang kanyang pamilya. Bukod dito, umaasa ang aktres na makakauwi na sa bansa ang rumored boyfriend niyang si Ilocos Sur Rep Ronald Singson. âIâm keeping my fingers cross and hopefully he gets back before Christmas," pahayag ni Lovi sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Nananatili pa rin sa Hong Kong si Rep Singson kaugnay ng kasong kinakaharap nito doon tungkol sa illegal na droga. Samantala, pinaghahandaan na rin ng young actress ang susunod niyang project kasama si Richard Gutierrez para sa pagbabalik sa telebisyon ng Pinoy superhero na si Captain Barbell.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âHindi ko pa alam ang role ko but Iâm very excited working with Richard and other artists na kasama," ayon sa dalaga. Kakaibang Lovi Poe rin ang makikita sa isang photo exhibit kasama ang iba pang personalities na kinabibilangan ng iba pang Kapuso stars. Bukod kay Lovi, ang iba pang Kapuso artists na sumabak sa kakaibang photo shoots ay sina Jolina Magdangal na halos hindi nakilala sa larawan dahil mukha itong lalaki. May larawan din sina Marian Rivera, Maggie Wilson, at sikat na stylist na si Liz Uy. - FRJ, GMANews.TV