ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong Dantes, may bagong krusada


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil karamihan sa mga nagiging biktima ng human trafficking ay mga kabataan, isinama na ng Kapuso lead star na si Dingdong Dantes sa kanyang mga adbokasiya ang paglaban sa human trafficking. Si Dingdong ang nagsilbing host sa MTV Docu-drama na "Enslaved,' na tumatalakay sa problema ng human trafficking. Ito ay mapapanood sa GMA News TV 11 sa Nobyembre 27. “Consistent naman ako na when it comes to young empowerment and education yun talaga ang aking top advocacies," pahayag ng aktor sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Martes ng gabi.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “But then itong human trafficking if you really look into it closely it involves majority kabataan. And ang objectives for this to be eliminated or to be stop, is for you to know what human trafficking is all about," dagdag niya. Matatandaan na sina Dingdong at GMA News anchor Mike Enriquez ang mga naging host ng matagumpay na dokumentaryo tungkol sa problema ng edukasyon sa bansa na ipinalabas recently sa GMA 7. Nitong Miyerkules, inanunsyo ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagkakahirang nila kay Dingdong bilang bagong ambassador sa kampanya ng pamahalaan laban sa human trafficking. "May nakuha na kaming bagong champion na magpo-promote ng awareness on human trafficking sa mga kabataan... Si Dingdong Dantes," ayon kay De Lima. Noong nakaraang taon, nahirang din si Dingdong bilang Youth Ambassador for the Arts ng National Commission for Culture and the Arts. -- FRJimenez, GMA News