ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Paghirang sa mga mahistrado ng Supreme Court, dapat na raw baguhin
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Panahon na umano para baguhin ang proseso ng paghirang sa mga mahistrado ng Korte Suprema na sa kasalukuyang sistema ay nakasalalay lamang sa pangulo ng bansa. Ang mungkahi ay ginawa nina Fr Joe Dizon, convenor ng Solidarity Philippines at Sister Mary John Mananzan, chairperson ng Association of Major Religious Sister of the Philippines, matapos silang madismaya sa ipinataw na temporary restraining order (TRO) ng SC sa watch list order (WLO) na ipinatupad ng Department of Justice (DOJ) laban sa mag-asawang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo. Pinuna ni Fr. Dizon na pawang appointees ni Gng Arroyo ang walong mahistrado na bumoto pabor sa pagpapalabas ng TRO upang payagan ang dating first couple na makalabas ng bansa. Sinabi ni Dizon na hindi na dapat ipaubaya na lamang sa pangulo paghirang sa mga mahistrado ng SC dahil maaaring magamit pa rin niya ang impluwensiya kahit wala na sa kapangyarihan. Sa halip na pangulo ang magtatatalaga, maaari umanong ipadaan ang pagpili ng mga mahistrado sa independent body kagaya ng Judicial and Bar Council upang hindi na mabahiran ng pulitika ang mga nakapuwesto sa pinakamataas na korte ng bansa. âThat is the right thing to do, alisin sa pangulo ang kapangyarihang mag-appoint ng mga mahistrado. Pwede tulad ng proseso na ginagawa ng JBC (at) maging ng Commission on Appointments (CA)," paliwanag ni Dizon sa panayam ng Radyo Veritas nitong Biyernes. Ikinalungkot naman ni Sis Mananzan ang naging desisyon ng SC sa WLO na sa kanyang pananaw ay nahaluan ng pulitika. Nanaig din umano ang interes ng iilan kaysa sa kapakanan sa paghanap ng katotohanan kaugnay sa mga ibinabatong alegasyon sa dating pangulo. âKung sino ang patron mo yun ang susundin mo kahit na mali. âYan ang dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad kasi hindi tayo objective, hindi tayo for justice. Pinagsisilbihan lang natin kung sino ang tumulong sa atin at kung sino ang nag-appoint sa atin sa puwesto," paliwanag ni Mananzan sa hiwalay ng panayam ng naturang himpilan ng radyo. Umapela si Mananzan na huwag nang pairalin ang appointing power ng pangulo sa mga mahistrado ng SC dahil nagagamit lamang umano ito sa interes ng taong nagtatalaga sa puwesto. Naniniwala naman si Fr Dizon na dapat magbitiw sa puwesto ang mga mahistrado na pumabor na makaalis ng bansa ang mga Arroyo. - GMA News
More Videos
Most Popular