ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Usapang Corona impeachment sa 'Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Corona: Conviction, Censure, o Resignation? Airing date: Jan. 11, 2012
Kung si dating Senador Rene Saguisag ang tatanungin, mas mainam na magbitiw na ngayon pa lang si Chief Justice Renato Corona sa halip na dumaan pa sa impeachment process ang hepe ng Korte Suprema. "Sana mag-resign na siya para na rin makatulog na nang maayos ang kaniyang pamilya at mapagtuunan ng pansin ang iba pang problema ng bayan," dagdag pa ni Saguisag.
Para naman sa pangulo ng Integrated Bar of the Philippines na si Atty. Roan Libarios, msa gusto niyang humarap at lumaban sa mga kasong isinampa sa kanya si CJ Corona. "Para malaman kung may basehan ang mga paratang sa kanya," ayon kay Libarios.
Ito ang ilan lamang sa mga puntong inihayag ng dalawang abogado sa talakayan sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie.
Para kay Prof. Monsod, ang impeachment trial ay dapat maging mahinahon at hindi dapat makulayan ng emosyon lamang, para mamayani ang sistema ng batas.
Ngayon pa lamang, tinataya nina Attys. Saguisag at Libarios na malaki ang posibilidad na magresulta sa censure o pagpuna kay CJ Corona ang pagdinig, pero mahihirapan anilang magresulta ito sa pagpapatalsik sa pinuno ng Kataas-taasang Hukuman.
"Puwedeng soft impeachment o censure lang ang mangyari," ayon kay Saguisag. Gayunman, hihina raw ang posisyon ni Corona bilang hepe ng Korte Suprema kahit pa malampasan niya ang impeachment trial.
Hinamon din ni Saguisag si Corona na ipakita sa publiko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). Dapat daw maging ehemplo ng pagsunod sa patakarang ito ang mga mahistrado ng Korte Suprema.
Si Saguisag ang isa sa pangunahing may akda ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, kung saan ipinag-uutos ang pagsusumite ng SALNs ng lahat ng nasa gobyerno taun-taon. Mula noong 1990, nakatago na sa publiko ang SALNs ng mga mahistrado at huwes dahil maari daw silang gipitin ng mga taong magbabalak ng masama laban sa kanila.
Panoorin ang masayang talakayan ukol sa impeachment case sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa Miyerkules, 8:00 PM sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug, renesaguisag
More Videos
Most Popular