We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Filipino-Mexican Jessica Sanchez wowed the American Idol Season 11 judges again with her performance of a Jennifer Hudson song from the 2006 movie Dreamgirls. Janet Nepales
Tubong Bataan ang ina ni Jessica Sanchez, ang 16-year old Filipino-American na nakapasok sa Top 13 contestants ng sikat na singing contest sa US na American Idol. Sa exclusive interview ni GMA stringer Janet Nepales kay Jessica sa Los Angeles, napag-alaman na hindi pa ito nakakapunta sa Pilipinas. Isinilang at lumaki si Jessica sa San Diego, California. Mexican ang kanyang ama, habang Pinay na tubong Bataan ang kanyang ina. Sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes, ipinaabot ni Jessica ang pasasalamat sa kanyang mga tagahanga sa Pilipinas. Gusto raw niyang makarating sa Pilipinas para na rin sa kanyang mga tagahanga. Nang tanungin kung mayroon siyang alam na Filipino words, masayang tugon ni Jessica: “I just know mahal kita." Ang pamilya daw niya ang kanyang inspirasyon para manalo sa American Idol. Idinagdag ni Jessica na si Beyoncé Knowles ang kanyang idolo. Sa semi-final round ng American Idol, inawit ni Jessica ang "Love You I Do" ni Jennifer Hudson. Dahil sa kanyang mahusay na performance, binigyan siya ng standing ovation ng audience at maging ng tatlong judges na sina Randy Jackson, Jennifer Lopez, at Steven Tyler. -- FRJimenez, GMA News