Alamin ang summer getaway plans ng ilang Kapuso stars
Excited na ang ilang Kapuso stars sa kanilang gagawing summer getaway this year. May pupunta sa abroad at mayroon ding nais ma-experience ang katagang, “It’s more fun in the Philippines." Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras, napag-alaman na kabilang sa mga lalabas ng bansa this summer ay sina Rocco Nacino, Sam Pinto at Ryza Zenon. Sa magkakahiwalay na panayam, inihayag ni Rocco na sa Singapore ang balak niyang puntahan. Habang sa Australia naman si Sam at sa Thailand si Ryza. Samantala, nais naman balikan ni Mike Tan ang hilagang bahagi ng Luzon para mag-mountain trekking. “…bumalik kami ng Ilocos kasi gusto naming masulit muna natin yung north," ayon kay Mike. Sa Palawan naman planong pumunta nina Grace Lee at Jackie Rice para makita nila ang ipinagmalalaking Underground River na napasama sa listahan 7 Wonders of Nature. Sa beach ng Boracay naman nais magbakasyon ni Geoff Eigenmann at isasama daw niya ang kanyang nobyang si Carla Abellana. -- FRJ, GMA News