ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

And Now...The End is Near. Totoo na Kaya? Alamin sa 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
And Now...The End is Near. Totoo na Kaya? AHARMAGEDDON 2012 (August 26, 2012 / Sunday / 9:15AM)   December 21, 2012.  Halos apat na buwan mula ngayon ay ang sinasabing paggunaw ng mundo.   Habang nalalapit tayo sa petsang ito at nakikita natin ang mga nagaganap sa mundo:  mga matitinding kalamidad, giyera, at maging mga phenomena sa kalawakan...baka nga nalalapit na ang katapusan?   Ngayong umaga, ipapaliwanag sa atin ni Drew Arellano kasama ang Siyensya at  ilang eksperto kung posible nga ba na sa darating na Disyembre na ang nakatakdang gunaw.  Ang mga simbolo sa Mayan Calendar, iisa-isahin din para mas maintindihan ang pinagmulan ng petsang sinasabing pagtatapos ng Mayan Cycle.   Pero hindi man daw matuloy ang gunaw sa Disyembre, di pa raw tayo ligtas dahil sa darating na February 2013 ay may Asteroid daw na sasalpok sa ating planeta.  Ano nga ba itong DA-14 Asteroid?  May nakikitang dalawang solusyon para raw di matuloy ang collision nito sa Earth...kung paano, ipapakita ‘yan sa pamamagitan ng explosibo at exklusibong experiment!   Kung nalalapit na nga ang End of the World, meron pa kaya tayong mapupuntahan?   Kamakailan ay lumapag na sa planetang Mars ang Curiosity Rover. Ang pagsasaliksik kaya ng NASA sa Red Planet ay hudyat na na kailangan na nating mangibang-planeta?   Bago matakot at magpanic...manood muna ng AHA! ngayong Linggo ng umaga.
Tags: plug