ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
OFW sa HK, napatay ng kapwa Pinoy dahil sa ‘pusoy’
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong ang nasawi nang mabagok umano ang ulo nito nang suntukin ng nakaaway na kababayang Pilipino. Sa ulat ng GMA News TVs Balitanghali nitong Sabado, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya sa Hong Kong na naglalaro ang mga OFW ng pusoy nang bigla silang magkainitan dahil hindi umano nagkasundo sa bigayan ng baraha. Sinasabing sinuntok ng kalaro ang biktimang si Sixto Mercurio na dahilan para ito matumba at mabagok ang ulo. Kaagad naman daw naaresto ng mga pulis sa HK ang suspek. Gayunman, masama ang loob ang misis ng biktima dahil kapwa kababayan nito ang nakapatay sa kanyang mister. – FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular