Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, magbabalik na via 'Temptation of Wife'
Handa na muling sumabak sa heavy drama ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang si Angeline sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang "Temptation of Wife." "'Yong ano ko [paghahanda] ngayon, dapat nasa acting na naman. Kasi medyo mabigat ‘yong character, heavy drama talaga siya. Kailangan ulit mag-internalize," pahayag ni Marian sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Miyerkules. Kumportable naman daw si Marian sa kanyang leading men at maging sa kontrabida ng palabas na si Heidi na gagampanan ni Glaiza de Castro. Makakatrabaho ni Marian bilang leading men sina Dennis Trillo bilang si Marcel, at ang bagong Kapuso hunk na si Rafael Rosell bilang si Nigel. Excited naman daw si Rafael sa kanyang unang full-length project bilang isang Kapuso. "Sobrang excited ako, nakita ko yong mga cast members and I'm enjoying already dahil mga kaibigan ko na ‘yan, eh. It's gonna be fun," ayon kay Rafael. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News