ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Powerhouse: Susan Enriquez at Cesar Apolinario


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
POWERHOUSE:  SUSAN ENRIQUEZ AND CESAR APOLINARIO Airing date: September 18, 2012
 
Ngayong Martes, dalawang bigatin at tinitingalang mamamahayag ng GMA News and Public Affairs  ang bibisitahin ni Mel Tiangco sa Powerhouse!
 
Hindi naman niya talaga gustong kumuha ng Journalism pero tila sa linyang ito itinadhana si Susan Enriquez. Ipinanganak sa isang mahirap na pamilya, hindi naging madali ang buhay ni Susan habang lumalaki. Pero dahil sa kaniyang pagsusumikap, naging  isa siya sa pinakamatinik na reporter sa Kapuso Network.
 
Tuwing weekdays, sa isang 55-square meter condo unit siya umuuwi.  Compact at functional, tama lang daw ang Modern Asian themed na unit sa pangangailangan niya at ng kaniyang maliit na pamilya. Bagamat dalawa lang ang kwarto na  siya mismo ang nagdisenyo, meron naman itong terrace kung saan siya nagre-relax pagtatapos ng kaniyang araw.  Pero sa kaniyang dream house sa Cavite lubusang nakakapagpahinga  si Susan. Sa lawak na 120-square meters, ito na raw ang pinangarap na tirahan ni Susan noon pa man.  Bagamat simple din, makikita naman dito ang ilan sa mga artworks na espesyal para sa kaniya, tulad ng isang painting ng kapwa reporter na si Joseph Morong, at ang isang portrait na ipininta noong siya’y nasa Paris, France.
 
Samantala, ipasisilip din ng senior reporter at film director na na si Cesar Apolinario ang kaniyang tahanan sa San Mateo, Rizal.  Ito raw ang sanktwaryo niya, lalo na matapos ang nakakapagod na linggo ng trabaho. 
 
Malayung-malayo ang tahanan ni Cesar ngayon sa nakagisnan niya noon.  Wala raw pintuan ang tinirhan nila noon at kapos na kapos sila sa buhay.  Sa murang edad na pitong taong gulang, naranasan na niyang pumasok sa eskwelahan nang walang laman ang tiyan. At sa edad disiotso, napilitan siyang magtrabaho sa ibang bansa para lang makapag-ipon ng pang-kolehiyo.  Nang makatapos ng pag-aaral, pinasok ni Cesar ang mundo ng news reporting sa GMA.  Dito na nagbago ang kapalaran niya at nagtuloy-tuloy ang pag-asenso ng kaniyang buhay.
 
Ang kaniyang 200-square meter home ay bunga raw ng kaniyang pagsisikap.  Dito, makikita ang iba’t ibang koleksiyon niya, karamihan ay mga antigong gamit.  Tulad ng isang stereo na pwede pang magpatugtog ng vinyl records at cassette tapes; at mga patalim na mula pa raw sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.  Sa kaniyang garden, may espesyal na lugar din ang mga batong galing pa sa mga lugar kung saan siya nag-cover para sa GMA.
 
Sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario— dalawang respetadong mamamahayag, dalawang kwento ng tagumpay…  matutunghayan sa Powerhouse, Martes, 8PM sa GMA News TV.
Tags: plug