ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

HIV case sa GenSan, tumaas; 'full blown' AIDS, 15 kaso na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tumaas pa ang bilang ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa sinilangang bayan ng Pinoy boxing icon na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa General Santos City. Sa isinagawang confirmatory test ng Department of Health Central Office, lumitaw na siyam ang nadagdag na bagong kaso ng HIV sa GenSan sa loob ng nakalipas na tatlong buwan. Dahil dito, sinabi ni Dr. Nelly Lastimoso, coordinator ng City Integrated Health Services Office ng Social Hygiene Clinic, na umabot na ngayon sa 41 ang kaso ng HIV sa lungsod. Ang HIV ang sakit na sanhi ng nakakamatay na Acquired Immunodeficiency Syndrome o ang kinatatakutang AIDS. Karamihan umano sa mga kinapitan ng HIV sa nasabing lungsod ay mga propesyonal, at hindi nagmula sa entertainment sector. Idinagdag ni Lastimoso na sa 41 confirmed HIV cases sa GenSan, 15 sa kanila ay "full blown" AIDS na. Dagdag ng opisyal, patuloy na nag-aalok ang pamunuan ng lungsod ng libreng "confidential screening" para sa HIV/AIDS, sa pamamagitan ng social hygiene clinic ng City District Hospital. – MM/FRJ, GMA News

Tags: aids, hivvictims