ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
My Other Woman, Misteryosong Magkapatid, Hot Wheels, at iba pa sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maski paulit-ulit na itong naging paksa sa mga pelikula at soap opera, ang kwento ng mga kabit o mistress, patok na patok pa rin sa mga Pilipino. Patunay ba ito na marami talagang nakaka-relate sa ganitong mga tema? Dagsa na nga ba talaga ang mga salawahan ngayon sa lipunan? Ang mga totoong kwento ng mga hindi "legal wife" at ang kanilang pakikipaglaban sa ngalan ng pag-ibig, pakinggan nating muli ngayong Sabado ng gabi.

Marami sa atin takot tumanda. Kaya naman ang iba gagastos kahit pa ng malaking halaga manatili lang mukhang bata. Pero iba ang kaso ng nakilala naming magkapatid sa Legazpi City. Hindi kasi madadaan sa retoke ang kanilang kondisyon. Bagamat teenager pa lang sila, mistulang 80 anyos na ang kanilang itsura! Ano nga ba ang misteryosong sakit ng magkapatid na Buen?

Kung ang Cebu may dancing inmates, ang mga preso naman ng Olongapo may rapping inmates --- ang G-Town! Ang lider ng grupo na si Jay alyas J-Rhyme, nais daw patunayan na kahit nasa loob pa siya ng piitan, kayang-kaya niyang abutin ang pangarap niyang maging sikat na rapper. Si Carvin alyas Chemy, dinadaan naman sa pag-ra-rap ang pangungulila sa pamilya.

Gusto mo ba ng kakaibang trip? Angkas na sa skate bike sa Nueva Ecija, ang Anicycle sa Bukidnon kung saan magbibisikleta ka habang nasa zipline at sakay na sa kakaibang kotse sa Mindoro na gawa raw sa papel?!

Buhay ka pa, pero parang naagnas na ang ilang parte ng iyong katawan. Ito ang Flesh Eating Bacteria o Necrotizing Fasciitis na kapag hindi naagapan maaring ikamatay! Katulad na lang ng nangyari kay Noemi na kailangang sumailalim sa skin grafting para masugpo ang flesh-eating bacteria sa kanyang katawan. Abangan ang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ngayong Sabado, 8PM sa GMA Ch. 7!
Tags: plug
More Videos
Most Popular