ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tambalang Bobby Andrews -Angelu de Leon, ibabalik sa Teen Gen


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Magbabalik sa telebisyon via upcoming youth-oriented series na Teen Gen ang tambalan nina Bobby Andrews at Angelu de Leon na nagpakilig sa mga Kapuso sa dati nilang programang T.G.I.S. Matapos ang ilang buwan na paghahanap sa mga bagong iidolohin ng mga kabataan, nakumpleto na ang listahan ng mga bubuo sa bagong programa ng GMA-7 na Teen Gen. Kabilang sa mga bibida sa Teen Gen ang Protégé winners na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino, bilang sina Tiago at Angge sa serye. “Ito na ang umpisa ng aking mga pangarap kaya excited ako sa project na ito. Nakaka-pressure kaya kailangan naming galingan at patunayan na karapat-dapat kami for the show," ayon kay Jeric. “Sobrang happy ko po. God has been so good to me and I will give all my best sa Teen Gen," pahayag naman ni Thea sa kanyang first project. Muli namang masusubukan ang chemistry nina Bobby Andrews at Angelu de Leon na gaganap na bilang magulang sa cast member ng Teen Gen. Kasama rin sa Teen Gen sina Juancho Trivino, bilang si Lucho; Dianne Hernandez, bilang si Lyca; Abel Estanislao bilang si JV; Gianna Revilla bilang si Madison: Seth Isay , bilang si Itos; Sunyee Maluche bilang si Drew; Gab de Leon, bilang si Jeff; at si Arkin Magalona, bilang si Mackenzie. Ang Teen Gen ay pamamahalaan ni Direk Mark Reyes, na siyang ring nasa likod ng matagumpay na T.G.I.S.. Kasama niya si Kit Villanueva-Langit bilang creative consultant/headwriter. Mapapanood ang Teen Gen simula sa December 16, pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA-7. - FRJimenez, GMA News
Tags: teengen, tgis