ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera, tampok sa January cover ng FHM


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Maganda at classy ang dating ng Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera sa kanyang cover sa kilalang men's magazine sa bansa na For Him Magazine o FHM para sa unang issue nila ngayong taon.  
Ito ang unang pagkakataon na napapayag ang Kapuso star na magpose sa sikat na men's magazine.
 
Si Marian ang cover star para sa 150th issue ng nasabing magazine kung saan ipinamalas niya ang kanyang magandang pangangatawan at angking ganda suot ang pula at kayumangging two-piece swimsuit.
 
Sa ulat ng Chika Minute ng 24 Oras, sinabi ni Marian na maraming magagandang konsepto na ipinakita sa kanya ang FHM at nag-swak naman sa kanyang idea. Dagdag pa ng aktres, aprubado ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes ang kanyang mga sexy pictures,
Maliban sa pagiging cover ng unang issue ngayong taon, consistent din si Marian sa Top 10 ng "100 Sexiest women of the World" ng FHM Philippines mula noong 2008 kung saan siya ang itinanghal na number one. — Mac Macapendeg/RSJ/FRJ, GMA News
Â