ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tatlong residente, sugatan sa sunog sa Cebu City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasugatan ang tatlong katao sa sunog na tumupok sa may labing-isang bahay sa Cebu City nitong Huwebes ng umaga. Sa ulat ni Alan Domingo ng GMA-Cebu sa Balita Pilipinas Ngayon, sinabing problema ngayon ng mga nasunugan sa barangay Capitol, Cebu City kung saan sila titira. Gumawa naman ng paraan ang lider ng barangay na maglalagay ng tent sa barangay hall para maging pansamantalang tutuluyan ng mga biktima. Naghahanda na rin ang Kapuso Foundation ng tulong maibibigay sa mga nasunugan na idinadaing ang kanilang sitwasyon ngayon. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano pinagmulan ng sunog at magkano ang halaga ng pinsala. - FRJ, GMA News