ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kris Bernal, sino kaya ang kasama sa bakasyon sa Europe?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Habang hindi pa nagsisimula ang bago niyang proyekto, magbabakasyon muna at mag-iikot sa Europe ang Kapuso star na si Kris Bernal. Alamin kung sino ang kanyang kasama sa biyahe. Sa ulat ng Star Bites ng GMA News TV's Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing mag-iikot si Kris sa mga bansang France, Germany, Spain, The Netherlands, Switzerland at Italy. Tamang tama raw ang timing ng bakasyong ito habang hindi pa nasisimulan ang bago nilang proyekto ni Aljur Abrenica. Ang pamilya daw ang kasama ni Kris sa biyahe na magsisilbing post-Christmas gift niya sa kanyang mga mahal sa buhay. "Pasyal talaga, pahinga, bonding," paglalarawan ni Kris sa kanyang trip sa Europe. - FRJ, GMA News
Tags: krisbernal
More Videos
Most Popular