ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang mga estudyante ni Mareng Winnie sa 'Bawal ang Pasaway'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MGA ESTUDYANTE NI MARENG WINNIE BAWAL ANG PASAWAY Airing date: April 1, 2013 Kahit masama ang pakiramdam, maagang dumating sa taping ng kanyang programa si Prof. Solita Monsod. Dala-dala pa niya ang research materials na siya mismo ang nagsaliksik.
 
Nang dumating na siya sa set, nagulat siya nang hindi mga abogado ang nakita sa upuan kundi mga dati niyang estudyante sa UP School of Economics. Natuwa siya nang makilala ang mga ito: sina Paolo Tamase (Magna cum laude) at Gabriel Luis Roque (Summa cum laude).  
 
"I thought we're discussing lawyers and bar exams?" ang nagtataka niyang tanong sa staff ng Bawal ang Pasaway. "I did research on it!" natatawa pa niyang protesta.
 
Sa ikalawang anibersaryo ng "Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie," minabuti ng programa na alamin kung sinu-sino ang mga nakakuha ng mataas na grado sa mga klase ni Prof. Monsod, kabilang na sina Paolo at Gabriel.
 
Si Paolo ay kumukuha ngayon ng abogasya sa UP College of Law dahil sa isang lecture ni Prof. Monsod. Si Gabriel naman ay nagtatrabaho bilang equity research analyst sa Credit Suisse. Ikukuwento ng dalawa ang mga hamon na kanilang pinagdaanan sa klase ni Prof. Monsod.
 
Sa episode ding ito mabibisto na maging si Prof. Monsod pala noong nag-aaral sa kolehiyo ay nahuli ng kanyang propesor na pumupuslit sa klase. Sa edad na kinse nang magsimula sa kolehiyo, desidido raw kasi siya na maging cum laude lamang para magkaroon ng oras para sa paglilibang. Dahil nahuli siyang nasa bowling alley sa oras ng klase, binigyan siya ng gradong 3 ng kanyang propesor. Dahil din sa karanasang ito, maluwag si Prof. Monsod sa kanyang mga estudyante sa pagliban basta't nagagawa ng mga ito ang kanilang obligasyon sa klase.  
 
Panoorin ang masayang episode na ito sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie mamayang ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.