ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Away sa kalye ng rider ng motorsiklo at tricycle driver, nauwi sa pamamaril sa Albay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang tricycle driver matapos siyang pagbabarilin ng rider ng motorsiklo na kanyang nakaalitan sa national highway sa Libon, Albay. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing limang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng drayber ng tricycle na si Dennis Gonzales. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nabangga ng hindi pa nakikilalang suspek na rider ng motorsiklo ang tricycle na minamaneho ng biktima. Bagaman walang nasaktan sa nasabing banggaan, nagkaroon naman ng mainitang pagtatalo ang dalawa. Matapos ang kanilang sagutan, naghiwalay din ang dalawa. Ngunit lingid sa kaalaman ni Gonzales, sinundan siya ng suspek sa lugar na walang masyadong tao at doon siya pinagbabaril. Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang tumakas na suspek. - FRJ, GMA News

Tags: bicolcrime, albay