Rhea Santos, lilipat na nga ba sa kabilang istasyon?
Rhea Santos, lilipat na nga ba sa kabilang istasyon?
Naging maugong ang usapan na lilipat na diumano si Rhea Santos sa kabilang istasyon. Ito ay nang matapos ang GMA News and Public Affairs Eleksyon 2013 coverage ng hindi siya napanuod bilang anchor or field reporter.
Si Rhea Santos ay nagsimula bilang Segment Producer sa longest running morning show na Unang Hirit.
"Kainitan yun ni Ms. Miriam Quiambao pagkapanalo niya sa Ms. Universe. so naging busy siya nabungi yung mga host ng Unang Hirit kasi nga nawala si Miriam so parang nangailangan sila ng additional host. Hindi ako makapaniwala nung inoffer sa akin na sabihin sa akin na susubukan daw nila ako na maging host ng Unang Hirit then the rest is history as they say.”
Naging sunud-sunod ang projects niya sa GMA News and Public Affairs tulad ng Pinoy Abroad, At your service, Women's Desk at Tunay na Buhay.
Totoo nga kayang iiwan na niya ang istasyong kinalakihan niya?
Huwag palagpasin ang sagot sa Follow that Star ngayong Sabado, alas otso ng gabi sa GMA News TV.