ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Pop Talk,' magfu-food crawl sa University Belt ngayong July 23, 2013, 10 PM sa GMA News TV


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
POP TALK
July 23, 2013, Martes, 10 PM


 
University Belt o U-Belt ang bansag sa isang distrito sa Manila kung saan kumpol-kumpol ang colleges at universities.  Sankaterba siyempre ang mga  estudyanteng naririto --- mga estudyanteng magagana at malalakas kumain!  Pupurbahan ng 'Pop Talk' ang tatlong U-Belt restos na patok sa mga estudyanteng parukyano at maging sa mga dayo. Tara let’s eat!



Pasok sa listahan ng mga kakainan ay ang Juana’s Budbod and Coffee sa may Lerma St. na malapit sa FEU, ang Hanayo Korean Restaurant sa P. Noval St. na malapit sa UST, at ang Perico’s sa Concepcion Aquila St. sa may San Beda at CEU. 



Makakasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang food blogger ng Occasions of Joy na si Joy Mendiola, ang MedTech student mula sa Far Eastern University at isang photography enthusiast na si Louie Carlosen Benoza, at ang celebrity reviewer na nakikipagsabayan sa dibdibang aktingan ngayon sa 'My Husband’s Lover' na si Bettina Carlos.  Huhusgahan nila ang tatlong U-belt restos base sa criteria na food, place, at price.
 


Siguradong may time ka sa chibugan at chikahang walang humpay sa ‘Pop Talk: University Belt Food Crawl,’ ngayong Martes 10:00 ng gabi sa GMA News TV!
Tags: plug