ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera, iba pang Kapuso stars, makikisaya sa Kadayawan Festival


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pangungunahan ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera ang mga Kapuso star na makikisaya sa Kadayawan Festival sa Davao City ngayong weekend. Sa Sabado, Aug. 17, gaganapin ang Indak-Indak Sa Kadalanan Street Dancing Competition sa Roxas Avenue hanggang Rizal Park, na gaganapin sa 9:00 a.m. hanggang 12 ng tanghali. Makakasama ang cast ng Kapuso series na Anna Karenina na sina Barbie Forteza, Joyce CHing, Krystal Reyes at Derrick Monasterio sa Kapuso Barangayan sa ganap 10:00 a.m sa Juliville Subdivision Covered Court sa Brgy. Tigatto, Davao City. Gaganapin naman sa Atrium, Gaisano Mall of Davao ang Kapuso Mall show sa ganap na 2:00 p.m. Sa Kapuso Fan's Day na gaganapin sa ganap na 4:00 p.m., makakasama dito si Marian Rivera sa Atrium Gaisano Mall of Davao. Sa Linggo, Aug. 18, gaganapin naman ang Pamulak Float Parade Participation sa ganap na 7:00 am hanggang 12 ng tanghali sa Roxas Ave. hanggang Rizal Park. Makakasama ang cast ng bagong Kapuso series na Akin Pa Rin Ang Bukas na pangungunahan nina Cesar Montano, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Rocco Nacino, at Cherre Pineda. Gaganapin ang Kapuso Mall show sa ganap na 4:00 pm. sa Activity Center ng Abreeza Mall. -- FRJ, GMA News