ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, muling pumirma ng exclusive contract sa GMA Network


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
(Larawan mula sa Facebook fan page ni Dingdong Dantes) Magkasama at mapapanood pa rin sa GMA Network ang "Royal Couple" na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, matapos muling pumirma ng panibagong limang taong exclusive contract ang Kapuso 'Primetime King' nitong Sabado. Sa contract signing na ginanap sa Manila Golf and Country Club, present sina GMA Chairman and CEO Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., EVP and CFO Felipe S. Yalong, Entertainment TV OIC Lilybeth G. Rasonable at si Perry Lansigan, manager ni Dingdong. Sa pagpirma ng aktor sa panibagong kontrata sa GMA, inihayag ni Dingdong ang kaniyang kasiyahan na manatiling Kapuso kung saan nagsimula ang kaniyang showbiz career. “I’ve been with GMA for 15 years. Ang pinaka-importante throughout the years, which is practically half of my lifetime, is that they were always there to support me noong nag-u-umpisa akong mangarap, noong hindi ko pa alam ang magiging direksyon ko sa buhay, noong mga panahon kung kailan I failed, noong mga panahon na hindi ko alam ang gagawin ko hanggang ngayon, andiyan sila," pahayag ng premyadong aktor. "They were always there in fulfilling my dreams. That support is beyond just being a company, a network and just a house that holds my talent, but a home. I consider this as my home where my heart truly belongs,” dagdag niya. Nitong nakaraang Agosto, nauna nang pumirma ng panibagong three-year contract ang kinikilalang Kapuso Primetime Queen na si Marian. Ikinalugod naman ni Atty. Gozon ang pananatiling tapat ni Dingdong sa Kapuso Network. “Alam niyo mga 15 taon na si Dingdong sa GMA. Ito ang magpapatunay na marunong makadevelop ng Primetime King ang GMA. He is our exhibit number one kung paano nakaka-develop ng artist ang GMA 7," ayon kay Atty. Gozon.
Mula nang unang mapanood sa Kapuso top-rating youth-oriented series T.G.I.S. noong 1995, malayo na ang narating ni Dingdong bilang isang aktor, product endorser, at maging sa pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng kanyang Yes! Pinoy Foundation.   Ayon naman kay Mr. Duavit, “We are very, very happy about the signing today. In fact nung nabanggit na 15 years na si Dingdong na Kapuso, parang kailan lang Dong was the very first exclusive contract that I recall signing many, many years ago. This event today somehow gives us that gratification and we’re honored that we’ve grown together, ang GMA at si Dong.  At malayong malayo pa ang mararating natin together.”   Tiniyak naman ni Ms Rasonable na patuloy ang paggawa ng mga makabuluhang proyekto para kay Dingdong, at pagsuporta sa kaniyang mga programa at adbokasiya.   Ikinalugod din ni Perry ang pag-aalaga ng GMA sa career ni Dingdong at tiwala siya sa mas matatag na working relationship sa network.   “Nagpapasalamat kami sa GMA sa tiwala nila, panibagong yugto ng another lifetime ni Dingdong. Maraming salamat kila Atty. Gozon, Mr. Duavit, Mr. Yalong, Ma’am Lilybeth. Buong puso kaming nagpapasalamat sa pagtitiwala at pag-aalaga nila kay Dingdong,'  ayon kay Perry. Sa susunod na buwan, mapapanood na ang bagong action-drama primetime series ni Dingdong na "Genesis," kung saan kasama niya sina Rhian Ramos at Ms Lorna Tolentino. “It’s a story about pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa pamilya at pagmamahal sa bayan. It’s a story about hope sa kabila ng mga bagay na nangyayari sa paligid mo. Sa katotohanan, isa siyang konsepto that deals with day-to-day reality, lahat ng nangyayri sa mundo,” kwento ng aktor tungkol sa serye. -- FRJimenez, GMA News