ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paskong Pinoy paandaran ngayong Linggo sa 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mas mahaba na ang gabi kaysa sa araw. Mas malamig na rin ang simoy ng hangin. Walang duda, Christmas is in the air! Bukod sa mga natural na senyales ng padating na Pasko, nagsusulputan na rin sa paligid ang iba’t ibang man-made na senyales ng masaya at makulay na Holiday season.

Samahan si ka-AHAng Maey na mamangha at masilaw sa kumukuti-kutitap na lights display sa Policarpio Street sa Mandaluyong, sa much-awaited lights and sound show sa Ayala Triangle Gardens sa Makati, at maging sa isang AHA-mazing musical fountain lights and sound show sa Vigan, Ilocos Sur!

Silipin din natin ang mabusising paghahanda, paggawa at pag-iilaw ng pamosong giant lanterns ng Pampanga, at ng isang simpleng do-it-yourself na parol. Isa pang popular na simbolo ng
Pasko ang belen, at may nakilala rin kaming AHA-mazing belen collector.

Samahan din si ka-AHAng Boobay na tuklasin ang iba’t ibang Christmas gimik at activity, gaya ng ice skating at sleigh ride-picture taking sa SM MOA, ang bagong bukas na Miniature Museum sa Marikina, at ang isang tradisyon na patuloy na binubuhay, ang Greenhills COD o ‘Christmas on Display’ show.

Masayang Paskong Pinoy paandaran ngayong Linggo sa AHA! 9:00 AM sa GMA.
Tags: plug