ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ilang Kapuso stars, trabaho at bakasyon ngayong Pasko
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kahit kaliwa't kanan ang trabaho ng ilang Kapuso stars, time out muna ang mga ito sa trabaho upang magbakasyon kasama ang kanilang pamilya ngayong Pasko.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa "Chika Minute" ng "24 Oras" nitong Miyerkules, ipagdiriwang nina Julie Anne San Jose, Louise delos Reyes, Lovi Poe, at Regine Velasquez– Alcasid ang Kapaskuhan kasama ang kanilang mga kapatid at magulang.
Ani Lovi, "Dapat pupunta akong San Francisco to visit my sister pero nagrequest siya na dito na lang mag-Pasko dahil miss na niya lahat ng mga kaibigan niya rito."
Ayon naman kay Regine, "Kanila Cacai [Velasquez] kami magki-Christmas for the first time kasi nandoon ang parent ko."
Samantala, magiging abala naman sina Rocco Nacino at Eugene Domingo sa promosyon ng kanilang mga pelikula sa Metro Manila Film Festival.
Si Rocco ang bida sa pelikulang "Pedro Calungsod: Ang Batang Martir."
Kwento pa ni Rocco, "I'll be busy promoting Pedro Calungsod. Wala nga ako sa Pasko, so first time ko i-celebrate ang Pasko na hindi ko kasama ang pamilya ko so medyo malungkot ako."
Si Eugene naman ang bibida sa ikatlong franchise ng Kimmy Dora na "Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel."
"A very fulfilling Christmas kasi by that time, pinapasok na ng mga tao ang Kimmy Dora at nandoon naman kami sa malls to thank them," ani Eugene.
Gayundin, wala pang plano ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa Pasko dahil abala pa ito sa kaniyang kabi-kabilang proyekto.
Kwento pa ni Dingdong, "Siguro we'll start planning after the job gets done, so trabaho na muna. But definitely kasama namin ang families namin sa Pasko."
Balak naman bisitahin ng Kapuso balladeer na si Christian Bautista ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda ngayong Kapaskuhan.
Aniya, "If I have time to go to Leyte personally on a C130, I'll go."
Sa Estados Unidos naman idaraos ni Jessica Sanchez ang Pasko kasama ang kaniyang pamilya.
Ani Jessica Sanchez, "We are opening presents the night of Christmas eve and then on Christmas day we drive to San Diego. I'll spend New Year here with my kababayans. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular