ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Marian Rivera, mas daring sa muli niyang pag-cover sa isang sikat na men's magazine
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Muling nagpa-sexy ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa cover ng isang sikat na men's magazine.
Sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing mas daring ngayon ang aktres sa March issue ng FHM.
Ang "Carmela" star ang napiling cover girl para sa tinawag nilang "best issue ever" ng magazine.

Marian Rivera. FHM
Mas mapangahas daw ngayon si Marian dahil sa tiwala niya sa staff ng babasahin.
Kaya naman hindi lang siya naka-golden bikini kung hindi nagpakita rin ng konti pang skin sa isa pang sexy dress.
"Ibig sabihin malaki ang tiwala ko sa FHM dahil ginawa ko ulit. Siguro bilang second time ko na ito, at alam ko na kung paano makipag-trabaho sa inyo," pahayag ni Marian sa website ng magazine.
Dagdag pa niya, "Mas masarap makipag-trabaho nang walang wall. Mas transparent ka na sa kung ano'ng gusto at ayaw mong gawin. Very amenable naman ang FHM sa mga gusto kong gawin."
Ang sexy photo shoot ni Marian ay pinamahalaan ni Mark Nicdao na isinagawa sa Balesin Island ng lalawigan ng Quezon.
Nitong nakaraang 2013, si Marian ang itinanghal na Philippines' Finest o 'Sexiest Woman' sa isinagawang botohan ng FHM. -- FRJimenez, GMA News
Tags: marianrivera
More Videos
Most Popular