ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ogie Alcasid, nagkwento kung paano hinaharap ni Regine ang pagpanaw ng ama


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagkwento si Ogie Alcasid kung paano hinaharap ng misis niyang si Regine Velasquez ang pagpanaw ng ama nito.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali", sinabing sa panayam ng PEP.ph, inihayag ni Ogie na may mga araw pa ring nahihirapan ang kanyang misis dahil sa pagkawala ni Mang Gerry.



Higit na nagiging at peace naman daw si Regine kapag iniisip na nasa langit na ang ama na naging mentor niya rin sa kanyang singing career.

Ayon pa kay Ogie, nagpapakatatag ang kanyang asawa at humuhugot ng lakas sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang anak na si Nate. --FRJ, GMA News