ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Budol-budol, tampok ngayong gabi sa Alisto!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
"Alisto!"
Budol-budol at Parking Modus
April 1, 2014
11:30 PM, GMA-7
 
BUDOL-BUDOL!


Ngayong April Fool’s Day… bawal ang magpaloko! Dahil ibubuking na ng Alisto kung paano nga ba nambibiktima silang mga miyembro ng “Budol-budol”.

Nag-umpisa sa simpleng pagtatanong at paghingi ng tulong… hanggang sa tuluyang makuha ang kanyang loob. Ganito nagsimula ang panloloko sa isang matandang babae sa Baclaran. Pero ang dating simpleng modus na ito, tila nag-level up na! Dahil matapos ang panlalansi… nakuha pang isakay sa kotse ang biktima at doon nanakawan!
 
Hipnotismo o mahika nga ba ang dahilan… o pagiging Alisto ang susi para hindi maisahan?
 
PARKING MODUS



Kamakailan lang, isang amateur video ang naging viral sa social media. Kuha ito sa loob ng isang kotseng minamaneho ng isang valet parking driver sa isang hotel. Kitang kita sa video kung paano nagmanman ang driver sa loob ng sasakyan na tila ba tinitiktikan ang mga gamit sa loob nito. Maya-maya pa, naging mas mapangahas ang driver at nagsuksok ng ilang bagay sa kanyang bulsa. Pilit din niyang inabot at pinakialaman maging ang mga gamit sa likod ng kotse. Ang hindi niya alam, may dashboard camera ang sasakyan at wala siyang kawala sa pagkakahuli-cam!
 
Ano nga ba ang mga dapat tandaan para hindi mabiktima ng mga modus sa pagpa-park ng sasakyan?
 
ALISTO FERNANDINO!



Sa San Fernando, Pampanga, nagkalat ang mga CCTV camera para raw mas ma-monitor ang traffic at aksidenteng nagaganap dito. Sa kanilang mga lansangan, matatagpuan ang ilang karatulang nagsasabing “Alisto Fernandino” bilang bahagi ng isang kampanya para mas maging ligtas ang mga residente. Pero sa ilang eksenang nahagip ng CCTV camera, hindi pa rin naiwasan ang ilang malalagim na aksidente!


 
Maging "Alisto!" Kasama si Igan, Arnold Clavio. Tuwing MARTES ng gabi pagkatapos ng Saksi!