ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew' visits General Santos City
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BIYAHE NI DREW: GENERAL SANTOS CITY
Biyernes, 23 May 2014, 8:00pm
Hindi lang isa kundi dalawa ang magiging destinasyon ni Biyahero Drew Arellano sa kaniyang latest Mindanao adventure—ang South Cotabato at Saranggani— sa Biyahe ni Drew sa Biyernes!
Napaliligiran ng tubig ang Region 12 kaya mayamang-mayaman ito sa seafood. ‘Yan din ang dahilan kaya ito tinawag na catch basin ng Mindanao. Kaya naman seafood agad ang nilantakan ni Drew pag dating niya sa Saranggani kung saan sandamakmak ang tuna dishes! Sa Road House Hotel, mala-fiesta ang inihandang lamesa para kay Drew kung saan tampok ang specialty of the house na tuna salad, grilled tuna, at tuna teriyaki. At dahil pagmamay-ari ng Pambansang Kamaong si Congressman Manny Pacquiao ang hotel, may libreng exhibition pa ng mga litrato ng Pinoy boxer ang ng kaniyang misis na si Jinky!

Pero simula pa lang ‘yan ng epic food trip ni Drew. Sa Koronadal, aakyatin ni Drew ang isang bundok para makakain ng gabundok na seafood featuring fish burger and Fisherman’s Catch. At saan ka pa makakakita ng isang turo-turo na halos puro seafood ang bida? Sa Koronadal lang!
Para matunaw ang kinain, susubukan ni Drew ang water tubing sa Maitum sa Saranggani. For 150 pesos per person, pwedeng-pwede ka nang magpadausdos sa rumaragasang tubig galing sa Pangi River for an exciting 1.6 kilometer ride. For the environmentalist at heart, nariyan naman ang Pawikan Sanctuary kung saan pwede kang makipag-bonding sa mga pawikan at maging bahagi ng pagpapakawala sa kanila sa karagatan.
Sa South Cotabato, bibisitahin naman ng ating biyahero ang mga plantasyon ng durian at pinya kung saan makakakabili ng mga prutas na ito ‘fresh from the source’ ‘ika nga. Biyahero tip lang, kung balak n’yong gawin ito, alamin ang harvest season ng mga plantasyon para mas madaling makapamili ng mga prutas na pampasalubong. Meron din namang jam at fruit jelly version ang mga ito kung gusto n’yong mag-uwi ng mas magaan na pasalubong.

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular