ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Gary Estrada and Bernadette Allyson on 'Powerhouse'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Powerhouse
Gary Estrada and Bernadette Allyson
Date of airing: June 11, 2014
4:00 PM, GMA-7

Dekada nubenta nang sumikat siya bilang action star at matinee idol sa Pilipinas. Iniwan niya ang showbiz at marami ang hindi nakaaalam na pinasok niya ang mundo ng pulitika bilang bokal ng probinsya ng Quezon.
Ngayong Miyerkules ng hapon sa "Powerhouse," bisitahin ang farm house ni Gary Estrada kasama ang kanyang asawa na dati ring aktres na si Bernadette Allyson sa San Antonio, Quezon.
Nakatayo ang kanilang bahay sa tatlong ektaryang lupain ni Gary. Gawa ito sa kahoy, puno ng niyog at iba pang native materials. Labing siyam na taong gulang pa lamang siya nang mabili ang rest house na ito. Nakapaligid dito ang iba't ibang puno gaya ng mangga, duhat, at caimito na si Gary raw mismo ang nagtanim.
Natutuwa raw ang kanyang mga anak dahil sa mga alaga nilang hayop tulad ng pato, kambing, at kabayo. Tatlong babae at isang lalaki ang anak ni Gary. Istrikto raw siyang tatay kaya siya ang tiga-disiplina. Hands-on naman ang kanyang asawa na si Bernadette sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Kumusta ang buhay nila bilang mag-asawa? Bakit sila naghiwalay at nagdesisyong magsama muli? Ano ang katotohanan sa tangkang pagpapakamatay ni Gary noon nang maghiwalay sila ng kanyang dating kasintahan na si Donita Rose? Kumusta siya bilang pulitiko? Bakit nag-init ang ulo niya sa isang meeting dahil hindi raw ibinibigay ang pondo niya para sa kanyang mga proyekto?
Samahan si Kara David na kumustahin ang buhay ngayon nina Gary Estrada at Bernadette Allyson sa "Powerhouse," Miyerkules ng hapon pagkatapos ng "Innamorata."
More Videos
Most Popular