ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 paaralan sa Cebu City na maaaring magdulot ng panganib sa mga estudyante at guro, ipinasasara


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang pampublikong paaralan sa lungsod ng Cebu na peligroso umano sa baha at pagguho ng lupa na nagdudulot ng panganib sa buhay sa mga mag-aaral at guro ang nais ipasara ng lokal na pamahalaan.

Sa ulat ni Jenniffer Muñeza ng GMA-Cebu sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Martes, sinabing nasa tabi ng ilog ang Sapangdaku Elementary school, habang nasa bundok naman ang Busay Elementary school.

Kapag malakas ang ulan, tumataas umano ang antas ng tubig sa ilog at binabaha ang paaralan ng Sapangdaku.



Sa barangay hall muna nagkaklase ang nasa 500 estudyante ng nabanggit na paaralan habang naghahanap ang lokal na pamahalaan ng kanilang paglilipatan.

Makikipagpulong naman ang DepEd-Region 7 sa mga magulang ng mga estudyante sa paaralan ng Busay para malaman kung saan puwedeng ilipat ang eskwelahan.

Malambot kasi ang lupa na kinatitirikan ng paaralan at delikado umano itong gumuho kapag umuulan.

Sa ngayon, nagkakaroon na rin ng bitak ang ilang bahagi ng paaralan.

Sa panayam ng media, iginiit ni Cebu City Mayor Michael Rama, na ang kaligtasan ng mga bata ang pangunahing dapat na isipin. -- FRJ, GMA News

Tags: cebu